"Nakakatawa kung paano gawing emotional ng isang org ang di naman madramang tao"
Sobrang hirap pala iwanan ang samahang minahal mo talaga. Sa maraming aspeto, talagang iba ang Varsitarian o 'V' sa ibang samahan sa UST. Di sa binibida ko ang Varsi pero iba talaga eh :)) Siguro dahil sobrang saya ng mga tao lagi, kahit stress sa covers, extra-eds at deadlines.
I had the sweetest three years of college with V. Mula sa mga unang articles hanggang sa pagiging writer ng matagal at pagiging Editor this summer. It was short but sweet. Mamimiss ko ang V. |
Mula nang maging Varsi ako, bilang Sports writer syempre, marami akong natutunan sa buhay. Pumasok ako sa Varsi na di naman kagad diretso sa Sports. Scitech writer muna ako as a summer staffer. Talagang medyo masakit pero ganun talaga. Okay naman, naka-publish ng article pero sabi ko sana mag-iba pa. Ayon, napagbigyan. Nung staff announcement, narinig ko na lang pangalan ko sa Sports. Haha.
Bilang bago pa nga ako, na-culture shock ako sa unang cover ko. Ang haba ng sinulat kong breaking news sa Filoil, talo USTe ng Beda, tapos yung lumabas online, dalawang paragraphs lang natira partida kasama na lead. Kawawa ako haha. Medyo napaisip ako dun kung para ba talaga sakin ang Sports. Dun ako nachallenge kung paano pa gagalingan as sports writer.
Tanda ko rin ang unang UAAP cover ko, kasama si Ate Melai (Sports Ed, 2011-2012) at Ate Josa (Photog, naging crush haha). Muntik pa manalo ang NU sa UST, first game ng UAAP. Buti na lang magaling si Fortuna. Panalo UST ng 1 or 2 pts haha. Dun ako mas lalong naexcite maging Varsi, at sa thrill ng UAAP.
Some of my press IDs as a Varsitarian staffer. The opportunity of having the best seat in the arena to watch and feel the game, and of course, write the story. |
September 2011, na-assign ako sa isa sa major cover ko sa Varsi. UPLB - UAAP swimming kasama si Ate Melai and Ate Josa. Siyempre bilang ako lang ang bago at lalaki, nahiya talaga ako. Pero dun ko mas naramdaman kung gaano ako kamahal ng mga taga-V. Dito ko rin nasubukang maging independent lol. Siyempre marami kaming ginawa sa LB pero amin-amin na lang yun haha.
Midyear planning 2011 sa Batanags, mas dun ko naramdaman na welcome ako sa V. Dun ko rin mas lalong naging close sila Ate Melai, Ate Paeng, Doms, Gab at Hirro. Sa panahong din yun mas lalo kong nadiscover ang hidden skills ko sa pagpapatawa.
Sports + Photogs after Game 1 of UAAP Season 76 men's basketball finals between UST and DLSU at the Araneta Coliseum. |
Sobrang privileged ako na maging parte ng Sports Team ng V for three years. Unang una, marami akong natutunang sports at talagang mas nahasa ako magsulat ng Sports. In just a matter of five or six months after ko maging part ng Sports, kita ko na kung paano ako binago ng V bilang school journalist, sa sulat man pati sa ugali. Tanda ko pa ang first byline ko, Tagalog issue haha. Talagang kinilig ako. Makita mo ba naman ang pangalan mo sa Varsi na 20,000 copies linalabas eh. Dun ako mas lalong nagsikap para every issue, magkabyline.
Siyempre sa una, mahirap talaga i-juggle ang demands ng V at pagiging Pharma student. Halos weekends ko, may 2-3 covers ako. Mahirap pero masaya, lalo na kung gusto mo ang ginagawa mo. Mas marami rin akong nakilala at nakasalamuhang tao, UST athletes man, alumni at lalo na ang mga present UST students na kasabay kong nag-cheer ng #GoUSTe sa UAAP games.
LB covers. Left w/ Ate Josa and Ate Melai on my first year (2011) and right photo is with Poy, Jenz and Paul on my third year (2013) in V. Isa to sa pinakamasayang experience ko sa Varsi. |
Utang na loob ko sa V kaya umabot ng 1K ang followers ko sa Twitter (haha ang babaw sorry). Siyempre, bilang sports writer ka sa Varsi, kailangan marami kang updates sa UAAP. Marami akong nakausap at nakatawanan na kahit di ko man nameet personally, parang kakilala ko na rin. Sabay-sabay tayo sa Twitter nag-cheer para sa UST, nagpalakas ng loob sa mga oras na mababa morale ng UST teams, umasa, nasaktan, umiyak at higit sa lahat, naniwala sa kakayahan ng mga atletang Tomasino.
V also gave me the chance to experience a lot of things na mas malalim pa sa libreng upuan sa Araneta Coliseum o MOA Arena. Magmula sa UAAP covers na minsan ko lang naman pinangarap, makausap personally ang mga atletang Tomasino na talagang pinipilahan, mag-fanboy dahil may perks ka after the game at magsulat ng mga kakaibang stories/features sa billiards, drag racing, wushu, flag football at Ultimate frisbee.
Mamimiss ko rin ang mga staff developments ng V. Andyan yung retreat sa Caleruega kung saan ako mas napalapit sa Diyos (Yiee), ang midyear plannings na exciting, at syempre ang Caylabe/White Corrals na kung saan nagkakatampuhan at nagkakainisan ang tao a week before the tribe wars, tapos in the end, magbabati bati rin naman haha. Mga abnormal talaga tao sa V haha. Mas mararamdaman mo ang teamwork ng bawat tribe, syempre ibida ko na ang Gothic. Three years in the making bago maging champion! 2014 Tribe Wars champion haha.
Marami ring pakain sa V na mamimiss ko. Siyempre sa mga extra eds, christmas party, Valik Varsi (na maswerte akong naging parte ng organizing staff), Ustetika delibs night na nakumpleto ko haha, Testi dinners at kung anu-ano pa.
Thankful ako sa Varsi na kahit sa last two months ng stay ko, pinagkatiwalaan akong maging Sports Editor. Maswerte ako na mas nakilala ko ang mga kasama ko dati, sina Arar, Waitfort at Paul, at kahit si Ced at siyempre Delfin na talagang nakita ko ang sarili ko dahil three years pa siya sa V.
Sa lahat ng bagay, ang pinakamamimiss ko ay ang unlimited tawanan at asaran sa Varsi. Yung random na may magpapatawa, manggagago kapag malungkot ang office at sobrang dragging na pagkain sa Dapitan. (Dragging dahil kapag nag-aaya ka, magaantay ka pa una sa work area, sunod sa SA desk, tapos sa labas ng pinto ng Varsi tapos sa labas ng TYK. Kawawa talaga). Di ko alam kong paano nagagawang maging masayahin ng mga tao sa Varsi sa kabila ng pressure sa Acads at V.
Dito mo sa V mahahanap ang mga tunay na kaibigan sa college, yung di ka iiwanan at kahit graduate na, parang pareho pa rin kapag magkikita-kita kayo.
I had my closest friends in college sa V, si Ate Melai na pinagalitan ako nung Pautakan pero sobrang mahal kong Sports Ed. Di siguro ako matututo magsulat ng sports kundi dahil sa kanya. Si Ate Paeng
na inakala kong maarte dati at takot ako pero sobrang saya talaga kasama sa inuman at kung saan saan pa. Namimiss ko na tawa niya at gilagid niya. Naalala mo ba nung naghanap ako ng tempura sa Tapsi? Eh yung sinakal kita sa Caylabne kasabay ang katagang "Let the hunger games begin" haha. Siyempre si Doms, Hirro at Gabby na talagang naging sandalan ko na sa lahat ng oras. I will always cherish every moment with these people.
Andyan din siyempre ang mga Amihan na tinuturing kong parang kapatid ko na rin. Ate Chenny of course. Sila Shawin, Jaime, Bong, JT at syempre, si JanB na naging editor ko rin. Masaya rin akong mas nakilala sila Poy, Andrei, Gelyn, Jenz, Kute, Keno, Jonx, Red, Jonnie, Badet, Nigel, Enzo, Mars, Pip
and siyempre Patty na lagi kong kasama sa mga kagaguhan at pagkasabog.
Para kina Ar ar, Waitfort, Paul, Ced and Delfs, Wala na siguro akong maiiwanang reminder senyo kundi alagaan niyo ang Sports. I will miss that desk. Daming memories dyan. Tiwala ako sa inyo. You will always be my brothers.
Mamimiss ko talaga ang V. Sa totoo lang, di ko pa rin alam kung paano mag-move on. Masyadong masakit ang three years. Pero sobrang nagpapasalamat ako sa V kung paano niya iniba ang buhay ko. Baka di naging fulfilling ang college life ko kundi dahil sa Varsi. Marami akong natutunang lessons sa buhay nang dahil sa V. Ganito pala talaga ang feeling ng maging Amihan, para ka lang lumulutang sa hangin pero dala ang sakit. For sure may tamang oras para maka-move on tayo, lahat naman siguro nagdaan sa ganito.
Basta V, tandaan mo, saan man ako magpunta, talagang may malaking parte ka sa puso ko.
Now, it's time to hang my jersey. Time to complete my final home run. The game is over, so as V. It's time to move on.
Once A V Staffer, always a V staffer.
Yours truly,
Alex Cerado
BS Pharmacy 2014
The Varsitarian
Sports Editor (Summer 2014)
Sports writer (2011-2014)
University of Santo Tomas
Former Tribe Wars MVP wahaha
Signing off.